Skip to main content

INCOMING MAYOR BONG MARQUEZ, NAKIPAG-PULONG SA DPWH


Nagpulong sina Mayor-Elect Bong Marquez ng bayan Sablayan, Occidental Mindoro at DPWH District Engineer Joselito A. Antonio sa tanggapan ng huli sa Mamburao, Mayo 25, 2022, hinggil sa panukala ng bagong halal na alkalde ukol sa mga proyektong inprastruktura sa nasabing bayan.
Sa liham ni VM Bong kay DE Antonio, hiniling nito na isama sa 2023 National Budget ng DPWH ang mga pagawain na prayoridad na natukoy ng mga barangay kamakailan. Ayon kay Marquez, nakikipag-ugnayan na rin siya kay Congressman-elect Leody F. Tarriela para isama ang panukala sa mga pangunahing batas na kanyang isusulong sa Kamara oras na siya ay maging ganap nang mambabatas ng lalawigan.
Tiniyak naman ni DE Antonio na sisikapin niyang maipagkaloob sa taunang pondo ng tanggapan ang ilan sa mga naitalang proyekto ni VM Marquez.

Official Website of Sablayan Legislative Office