INDUCTION & ORIENTATION PROGRAM

INDUCTION & ORIENTATION PROGRAM
Ika-16 ng Agosto 2022, nagkaroon ng oryentasyon para sa lahat ng bagong kawani (JO’s at Contract of Service) ng lokal na pamahalan ng Sablayan. Ang nasabing oryentasyon ay pinangunahan ng Opisina ng Tagapamahala sa pangunguna ni OIC Administrator, Sir NORMAN NOVIO. Tinalakay ang mga mahahalagang alituntuning gabay para sa mga bagong kawani. Ipinakilala rin ang mga opisyalis ng sanggunian bayan at mga iba pang opisyalis sa ilalim ng pamununo ng ating mahal na Punong Bayan Walter B. Marquez at sa ilalim ng pamumuno ng ating mahal na Vice Mayor Edwin N. Mintu. Tinalakay din ang mga benipisyo, patakaran at panuntunan ng ating lokal na pamahalan.
Matagumpay na naisagawa ang oryentasyon at ang lahat ay nabigyan ng mahalagang impormasyon na maaring magamit sa pang araw-araw na gawain sa ilalim ng lokal na pamahalan ng Sablayan.
Pagpalain po nawa tayo ng Panginoon!
#Batangsablayan


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office