Skip to main content

Isang maikling programa para sa pagpirma ng Deed of Donation ng limang (5) bangka, (1) trike, at iba pang Patrol Equipment


𝐀𝐭 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐬𝐞𝐫𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐩𝐨: Isang maikling programa para sa pagpirma ng Deed of Donation ng limang (5) bangka, (1) trike, at iba pang Patrol Equipment ang dinaluhan at sinaksihan ni 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐞𝐡𝐚𝐥 𝐁𝐨𝐧𝐠 𝐕. 𝐔𝐫𝐢𝐞𝐭𝐚 noong Pebrero 22. Ang naturang mga kagamitan ay para sa anim (6) na Peoples Organizations ng Marine Protected Areas na kaagapay ng LGU Sablayan at MENRO sa pagpoprotekta at pagbabantay ng ating Marine Protected Areas.
Ito ay isa sa malalaking hakbang upang mapangalagaan at mapanatili ang kagandahan at kaligtasan ng ating mga likas na yaman at lalo pang palakasin ang kapasidad para sa Community-Based Coastal Resource Management.
Nasaksihan ang paglalagda sa pagitan nina Mayor Andy Dangeros at ang mga chairman ng mga sumusunod na samahan:
☑️ Samahang Ugnayan ng Mamamayang Mapagkalinga sa Kalikasan (SUMAMAKA)
☑️ Naghiusang Cebuanong Mananagat ng Ligaya (NCML)
☑️ Burgos Aplaya Fisherfolf Organization (BAFOR)
☑️ Samahan ng Mangingisdang Matiyaga (SAMAMA)
Nakasama rin sa nasabing programa Ang iba pang local officials gaya nina Konsehal Greg A. Villar, ABC President Fernando Baliao Jr., Exec. Assistant Norberto Canillo, MENRO Robert Duquil at LGU South Municipal Extension Admin Nestor Dela Rama.
🗒️Source: Official Facebook Page of Mayor Andy Dangeros
#𝒂𝒕𝒚𝒐𝒖𝒓𝒔𝒆𝒓𝑽𝑰𝑪𝑬𝒑𝒐_𝑩𝒐𝒏𝒈𝑼𝒓𝒊𝒆𝒕𝒂
#𝑨𝒏𝒂𝒌𝑵𝒈𝑺𝒂𝒃𝒍𝒂𝒚𝒂𝒏
#𝑼𝒏𝒂𝑳𝒂𝒈𝒊𝑨𝒏𝒈𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏
#𝑲𝒐𝒏𝒔𝒆𝑶𝒏𝒆

Official Website of Sablayan Legislative Office