Skip to main content

“Isang malugod na pagbati sa Ika-107 Anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo” – Vice-Mayor Walter B. Marquez


Isang malugod na pagbati sa Ika-107 Anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo ang ipinaabot ni Vice-Mayor Walter B. Marquez sa Kapatiran kasabay ng paghangad na lalo itong tumibay sa tapat na paglilingkod sa Panginoon, sa mahal nating bayan at mamamayan.
Binabati din ng Pangalawang Punongbayan ng Sablayan, Occidental Mindoro si Ka Eduardo V. Manalo, Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo gayundin ang lahat ng kapatiran, sa pagdiriwang nilang ito.
May malaking paghanga si VM Bong sa matatag na huwaran ng pagkakaisa at pakikipagkapwa ng INC. Mga katangian na sana umano’y magsilbing inspirasyon sa mga pamayanan, sa pamahalaan at sa ating buong sambayanan.

Official Website of Sablayan Legislative Office