Kabataan Susi Sa Maginhawa At Masaganang Kinabukasan

Pebrero 4, 2022 🧡 🧡 🧡
KABATAAN SUSI SA MAGINHAWA AT MASAGANANG KINABUKASAN.
Sa patuloy na hangarin ng Team Ganado Tayo na bigyang importansya ang mga Kabataan sa ating lalawigan upang patuloy sila magpursige sakanilang tinatahak na bukas.
Sabi nga ni Gat Jose Rizal ” Ang Kabataan ang Taniman ng mga binhing magbubunga ng masasarap at masasaganang prutas na dapat ay pagyamanin para sa mga susunod na lahi.”
Sila ang kinabukasan ng ating bansa kaya nararapat lang na sila ay bigyang importansya ng ating mga pinuno upang saganun ay pagyamanin ang kanilang hangarin patungo sa magandang buhay.
Naimbitahan po ang Team Ganado Tayo sa isang masayang pagtitipon ng ating mga kapatid na kabataan sa bayan ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro kasama po ang aspirante sa pagka Congressman Leody “Odie” Tarriela, mga aspirante sa pagka-Bokal Ryan “Mr. Akaphub”Gilbert Gadiano-Sioson, “Mr Taho” Tria, at ang inyong lingkod Obet Zubiri Dawates. Kasama ang buong pwersa ng Team Pagbabago ng Bayan ng Sta, Cruz na pinangungunahan ni Mayor aspirant Atty. Boy Abeleda Jr, Vice-Mayor aspirant Totie Galsim Jr. at ang mga aspirante ng Sangguniang Bayan.
Lubos po ang aking pasasalamat at ng buong grupo sainyong malakas na palakpakan at mainit na pagsalubong sa amin.
Muli, patuloy po kayo magsumikap at magpursige sainyong tinatahak na landas patungo sa maginhawa at masaganang buhay.
Obet Zubiri Dawates
#BOKALmagSerbisyo
#TeamGanadoTayo

« of 2 »

© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office