KASALANAG BAYAN sa SABLAYAN 2022

“KASALANAG BAYAN sa SABLAYAN 2022”
Ika-30 ng Setyembre 2022, ang araw at buwan ng paghahandog ng ating Pamahalaang Bayan ng Sablayan ng Kasalang Bayan sa ilalim ng pamumuno at pangunguna ng ating masipag at mapagmahal na Mayor Walter B. Marquez katuwang ang Tanggapan ng Pambayang Talaang Sibil na pinamumunuan ni Municipal Civil Registrar Officer Atty. Melvie Silverio-Dacayanan. Mayroong limampu (50) na pares ang nag isang dibdib ngayon.
Dumalo si District officer, Sir Zernan Toledo at ang inyong lingkod Vice-Mayor Edwin N. Mintu, kasama ang Sangguniang Bayan Member at OIC Mun. Admin. Sir Norman Novio upang magbigay ng payo, mensahe at maging saksi kasama ng ninang at ninong sa pag-iisang dibdib ng bagong kasal.
“Ang pagmamahal ay napakamisteryoso, walang edad na pinipili at handang ipaglaban kanino man, sa kabila ng magandang pagsasama hindi maiiwasan ang mga pagsubok, pagsubok na magpapatatag sa isang relasyon, kaya, kapit lang sa isa’t isa. Huwag kalimutan ang pagmamahal, tiwala, kumunikasyon at higit sa lahat ang koneksyon o pananalig sa Panginoon.”-Vice Mayor Edwin N. Mintu.
Lagi po kayong patnubayan ng may kapal!
Congratulations, Mabuhay ang bagong kasal!🎊❤️
#batangsablayan
#marquezmintugadiano

« of 3 »

© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office