Skip to main content

“Kinalakihan ko ang mundo ng pulitika” – SB BONG URIETA


Kinalakihan ko ang mundo ng pulitika. Nakita ko kung paano magtrabaho at maglingkod ang aking ama. Sa katunayan, ang ilan sa mga kapamilya ko ay naging bahagi rin ng larangang ito.
Kaya nang magdesisyon akong iwanan ang aking trabaho na ‘di hamak na mas malaki ang sinasahod ko at may mas kumportableng kalagayan kumpara sa sitwasyon ko ngayon, alam kong dito ako higit na sasaya. Buong-buo ang desisyon ko. Dito ko mas naramdaman ang aking tunay saysay. Dito ko mas minahal ang paglilingkod sa publiko.
Sa mga pagkakataong ganito na may kaparehas ka ng hangarin at misyon para sa bayan tulad ng ating Mayor Andy Dangeros, nakatataba ng puso na maging kaisa niya. Kaya nga mas hinuhusayan ko ang trabaho sa konseho dahil ang tulad niya ang aking ihemplo — patas, masipag, at makatao.
#atyourserVICEpo_BongUrieta
#AnakNgSablayan
#UnaLagiAngBayan
#KonseOne
#MayorAndyDangeros
#MulaSaMasaParaSaMasa

Official Website of Sablayan Legislative Office