Skip to main content

LAHAT NG SENIOR CITIZEN MAY PENSION KAY MAYOR BONG


Respeto at mataas na pagpapahalaga ang iniaalay ni Bong B. Marquez sa mga Senior Citizens ng Sablayan. Naniniwala si BBM sa kasabihang: “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.” Sina lolo at lola ay isa sa pinatutungkulan nito, kaya naman sila ang ating prayoridad.
Bilang lokal na mambabatas, 4 na akdang Resolusyon ni Marquez ang napagtibay na kapwa humihiling sa Department of Social Welfare and Development na maglaan ng badyet para sa social pension ng lahat ng senior citizens ng Sablayan, kasama dito ang lahat ng katutubo simula pa nung siya ng konsehal.
Narito ang resibo o kopya ng Resolusyon at wala pang sagot ang DSWD dito.
Para “Sana All” may pension, palalawigin natin ang Localized Social Pension Program para ang mga matatandang hindi napasama sa tala ng DSWD ay mapondohan ng Pamahalaang Lokal ng Sablayan.
Hindi ito imposible dahil seryoso si Marquez sa pagpapatupad nito at may badyet na maaaring pagkunan nito. Ika nga, pag gusto, may paraan, pag ayaw may dahilan.
Maglalaan din badyet para sa maintenance medicine ng mga seniors at iba pang kaugnay na programa.
Panata ito at maninindigan si BBM kapag naging Mayor ng Sablayan, kasama si Vice- Mayor Candidate Edwin N. Mintu at ang buong Team Ganado.

Official Website of Sablayan Legislative Office