Livelihood Assistance para sa Ilang Indibidwal at Kooperatiba, Ipinamahagi!

π—Ÿπ—œπ—©π—˜π—Ÿπ—œπ—›π—’π—’π—— π—”π—¦π—¦π—œπ—¦π—§π—”π—‘π—–π—˜ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—œπ—‘π——π—œπ—•π—œπ——π—ͺπ—”π—Ÿ 𝗔𝗧 π—žπ—’π—’π—£π—˜π—₯π—”π—§π—œπ—•π—”, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π— π—”π—›π—”π—šπ—œ
Sa patuloy na pagbibigay suporta sa ating mga kababayan ng ating butihing Gobernador Eduardo Gadiano at ng pamahalaang panlalawigan, ibinahagi ngayong araw ikalabing-pito ng Agosto ang Livelihood Assistance sa ilalim ng programa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa ilang mga indibidwal at isang asosasyon dito sa tanggapan ng PGOM-Sablayan.
Personal na ipinagkaloob ni Gobernador Ed katuwang sina Mayor Walter β€œBong” Marquez, OIC/Engineer Diosdado Capiral at mga kinatawan ng PSWDO ang tseke sa labindalawang indibidwal na galing sa iba’t-ibang barangay at isang asosasyon na may tatlumput siyam na meyembro galing sa Barangay San Agustin.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Konsehal Clarinda A. Lorenzo at Mr. Philip Saligumba, Office of the Mayor.
Bakas sa mukha ng lahat ng mga natanggap ang lubos na pasasalamat.
#LivelihoodAssistance
#SerbisyongGanado


Β© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office