
“MAHALIN ANG ISA’T ISA ANO MANG PAGSUBOK ANG DUMATING SA PAMILYA” – SB Salvy Urieta-De Vera
Setyembre 30, tatlumpot pitong pares ang naging benepisyaryo ng kasalang bayan na ginanap sa municipal hall ng Sablayan,Occ.Mindoro. Ito ay dinaluhan ng mga lingkod bayan na syang nagsilbing mga ninong at ninang. Limitado man ang mga dumalo bilang pagsunod sa Covid 19 health protocols, bakas pa rin sa mga mag sing irog ang kasiyahan.
Ang tagubilin ng Ninang Konsehala Salvy De Vera sa mga bagong mag asawa, ” MAHALIN ANG ISA’T ISA ANO MANG PAGSUBOK ANG DUMATING SA PAMILYA”