
MATATAG NA MEG ANG SANDIGAN HOA, PAGSASANAY, ISINAGAWA
Inilunsad ng Department of Labor and Employment- Occidental Mindoro Provincial Office, Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro at Tanggapan ng Pangalawang Punong Bayan ng Sablayan ang Entrepreneurial Development/ Workers Organizational Development Program and Basic Occupational Safety and Health Training para sa mga kasapi ng MEG Ang Sandigan Homeowners Association, Inc. at Ligaya Workers Association, Oktubre 11-12. Isinagawa ito sa Ligaya National High School at dinaluhan ng 80 kasapi.
Nauna rito ang pagkakaloob ng DOLE ng halagang isang milyon (P1,000,000.00) para sa Hallow blocks Making project.
Layon ng pagsasanay na mapalakas ang samahan at maihanda ang buong kasapian nito sa pagpapatupad ng proyektong pabahay at seguridad sa paninirahan.
Mismong si Direktor Bernardo B. Toriano ang pangunahing tagapagsalita para sa Values Formation, Vision and Mission, Organizational and Management Aspect, Labor Relations and Labor Standards. Ang Simple Bookkeeping and Financial Aspect ang itinuro ni Niña Kristel A. Abrigo. Siya din ang naghanda ng House Rules and Training Overview.
Ang Marketing Aspect and Production Aspect ang binigyang buhay Mylene A. Lleno samantalang tinalakay ni Gener L. Francisco and Modules 1 to 6 of Basic Occupational Safety and Health Standards.
Importante sa amin ang pagsasanay, lalo na ang pagtiyak sa kalusugan at seguridad ng aming manggagawa, pahayag ni Pangulong Presy H. Fernandez. Karapatang pantao naman turing sa proyekto ni Danilo C. Delfin, Jr. Special Concerns, Office of the Vice- Mayor.
Sina Joy C. Delfin, PGO- Housing Program Focal Person at Riean Carlo T. Villaluna, Office of the Vice- Mayor ang nagsilbing tagapagpadaloy ng aktibidad.