
MGA BAGONG CRIMINOLOGISTS NG BAYAN, KINILALA
Tinanggap ng pitong nakapasa sa Criminologist Licensure Examination mula sa bayan ng Sablayan ang pagkilala na iginawad sa kanila ng Sangguninang Bayan mula sa awtor ng Resolusyon ni Vice-Mayor Bong Marquez, Marso 7, 2022.
Ang mga pumasa sa pagsusulit ay sina April Rose B. Gozo, Jose Vincent S. Martinez, Sherwin Al V. Tuscano, Jerome A. Atibagos, Ginalyn M. Prieto, King Robert G. Salazar at Regie E. Rafol. Ngayong sila ay pasado na, sila ay maaring sa hinaharap ay maging miyembro ng PNP, Private Investigator, Correctional Officer, Jury Consultant, Probation Officer, Police Detective, Clinical Social Worker at Forensic Scientist. Ang Criminology Board Exam ay inilunsad noong Disyembre 12 hanggang 14, 2021 sa iba’t-bang testing center sa bansa na pinangunahan ng Professional Regulation Commission o PRC.
Ang pitong mga pasado ay kabilang sa 33, 983 mga examinees at dahil dito, binigyang pugay sila ni VM Bong at sinabing hindi lamang sila dangal ng kanilang mga paaralang pinagtapusan ng kurso kundi gayundin ng bayan ng Sablayan kaya mararapat lamang na sila ay kilalanin sa achievement nilang ito.
Ayon pa kay VM Bong, nawa ay maging mabuting ehemplo ang mga kabataang ito at maging inspirasyon sa mga nais ding tumahak sa landas ng tagumpay at maging responsableng mga mamamayan at lingkod bayan sa hinaharap.