MGA BIYAHERONG MAY KOMPLETONG BAKUNA! PWEDE NA!


Nilagdaan ni Governor Eduardo B. Gadiano ang Executive Order No. 7-C Series of 2021 kung saan ang mga biyaherong may kumpleto ng bakuna sa COVID-19 ay maaari nang pumasok sa Lalawigan ng Occidental Mindoro kahit walang RT-PCR swab test epektibo simula July 12, 2021.
GABAY PAPASOK SA LALAWIGAN NG OCCIDENTAL MINDORO:
(Alinsunod sa Executive Order No. 7-C ni Governor Eduardo B. Gadiano)
➡️ Magregister sa S-PASS (https://s-pass.ph) at i-upload ang kopya ng iyong Negative RT-PCR Swab Test result at least 72 hours bago bumyahe.
➡️ Kung ikaw naman ay may kumpletong bakuna na sa COVID-19, maaaring ang kopya na lamang ng lehitimong Certification na nagpapatunay na ikaw ay Fully-vaccinated na ang i-upload.
➡️ Matapos masuri at maaprubahan ito ng inyong LGUs, mag-gegenerate ito ng Travel Coordination Permit (TCP) bilang kumpirmasyon at ito ang iyong ipipresenta sa mga entry points papasok ng Lalawigan.
➡️ Narito ang mga hakbang sa paggamit ng S-PaSS kung ikaw ay babyahe patungong Occidental Mindoro: https://bit.ly/2U1YFyW
📞 Makipag-ugnayan sa iyong LGU para sa iba pang karagdagang katanungan. I-click ang link para sa mga numero:
https://bit.ly/3wJTili
https://bit.ly/3kfDhRb
Maraming salamat po.
Isang ligtas at mapayapang pagbyahe po sa ating lahat!
Source: PGO Occidental Mindoro


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office