Skip to main content

MGA DATING REBELDE, TUMANGGAP NG AYUDANG PINANSIYAL

Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ni Gov. Eduardo B. Gadiano at ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang kaukulang halaga para sa 27 mga dating rebelde na mga taga-lalawigan ng Occidental Mindoro at ang aktibidad ay ginawa sa Burgos, Sablayan, Occidental Mindoro, ika-1 ng Disyembre, 2021.
Maliban kay Gov. Ed, naging katuwang sa pamamahagi sina Sablayan Vice-Mayor Walter B. Marquez, DSWD Representative Ronaldo Meneses, PSWDO Rosalinda R. Lamoca at Albert Wyndell M. Tulaylay ng DSWD -SLP
Hinamon naman ni Gov. Ed na magtulungan ang lahat dahil hindi lahat kaya ng gobyerno at kailangan din ng tulong ng mamamayan. Bilang Provincial Chair ng ELCAC, sisikapin umano niyang matugunan ang kahirapan para matapos ang armadong pakikibaka. May habilin din na pahalagahan at gamiting sa pamilya ang natanggap na biyayang pinansiyal.
Sa kanyang pagbabahagi sinabi ni VM Bong importanteng salik sa pag-unlad ng bayan ang kapayapaan at kaayusan. Ang tangi umanong paraan para lutasin ito ay dapat na ugatin ang rebelyon at pag-aklas ng tao. Idinagdag pa nito na pangunahing trabaho ng Sangguiang Bayan ay ang pagpapatibay at pagbalangkas ng mga resolusyon para maipaabot sa national government ang mga problema.
Ipinaabot din ni VM Bong ang pagsaludo ng mga former rebels na yakapin ang gobyerno para mamuhay ng mapayapa sa komunidad.
Ipinabatid din na sa sa kasalukuyan ay naitatag na ang Bolbugan Elementary School – Guitong Extension na may 4 na kaguruan at Palsikayon Elementary School – Guitong Extension na mayroon ding 4 na kagururan. Ang nasabing mga pamayanang katutubo ay pawang mga ELCAC Areas. Itinatag ito sa pagsusulong ni VM Bong sa proyektong pang-edukasyon sa paninindigang ang edukasyon daan sa kaunlaran at ang kaunlaran ay daan sa pangmatagalan at tunay na kapayapaan.
Mahalagang hakbang ito na maturuan ng mga katutubo sa kahalagahan ng edukasyon.
Dumalo rin sa paggawad ng halaga para sa pangkabuhayang ayuda ng mga nagbalik-loob sa gobyerno sina LTC Bienvinido R Hindang Jr INF (GSC) PA Battallion Commander 76IB Phil Army at PMAJ Archie Baylen, PNP Provincial Director.

Official Website of Sablayan Legislative Office