
MGA ESTUDYANTE NG SISTERS OF MARY, DUMALAW KAY VM BONG
Sa kanilang pagbabalik sa kanilang paaralan, ang mga mag-aaral ng Sisters of Mary School ay masayang binati ni Vice-Mayor Bong Marquez ang mga kabataang estudyante mula sa Sablayan, ika-1 ng Disyembre, 2021.
Tuwang-tuwa ang mga mag-aaral sa pagtulong sa kanilang makabalik sa paaralan at sa mga mensaheng kanyang ibinahagi sa kanila nang dumalaw ang mga bata sa kanyang tanggapan.
Matatandaan na noong taong 1985, itinatag ito ni Fr. Aloysius Schwartz at patuloy na nagbibigay ng libreng edukasyon sa sekondarya na may libreng board and lodging at maraming mga kabataan ng Sablayan ang mga nag-aaral at nagtapos dito. Maraming mga taga-Sablayan na ngayon ay mga propesyunanl na na nagtapos sa Sisters of Mary School, kabilang ang mga teknisyan, mga public servants, mga negosyante at mga mabubuting mamamayan ngayon ng ating bayan.
Pinuri ni VM Bong ang mga bata at sinabing sana ay maipagpatuloy nila ang disiplina, ang good working attitude and love for virtues na nakuha nila sa paaralan at lalo pang maging mabuting Kristiyano at responsableng mga mamamayan.
Sa kasalukuyan, maraming sa mga mag-aaral sa Sisters Of Mary School sa Silang, Cavite ay mga taga-Sablayan at kanilang kanilang palagiang bitbit ang dangal at galing ng Sablayeno kanilang pakikipamuhay at pagkakatutuo sa nasabing institusyon.
Nagpalitan ang mga bata at si VM Bong ng kataga ng pagbati at pagpalain sa kanilang mga hinaharap na mithiin at layon.