
MGA IT PROFESSIONAL SA SABLAYAN, SINANAY
MGA IT PROFESSIONAL SA SABLAYAN, SINANAY
Dalawampu’t-walong mga Information Technology professionals at practitioners na nagtapos ang buhat sa iba’t-ibang mga sangay ng pamahalaan gaya ng Local Government Unit ng Sablayan, DepEd, PhilHealth, DENR, Provincial Government Office at mga pribadong indibidwal sa pagsasanay na proyekto ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at dating DICT Secretary Gringo Honasan sa koordinasyon ng Office of the Vice-Mayor Bong B. Marquez ng bayan ng Sablayan.
Ang pagsasanay ay tinawag na CCNA and MCP Bootcamp na pinangasiwaan ni Assistant Secretary for Global ICT Recognition and Certification Engr. Ariel Macario M. Gaan, Jr. na ginanap noong ika-31 ng Enero hanggang Pebrero 9, 2022 sa SB Session Hall, Legislative Building, Municipal Compound, Sablayan, Occidental Mindoro.
Ito ay isang panimulang hakbang para sa ICT Academy sa bayan ng Sablayan. Nagkaloob din ng 20 pirasong Laptop ng DICT para sa Office of the Vice-Mayor sa pamamagitan ni ASEC Gaan na sinaksihan ni SB Junjun Ventura, SB Secretary Cristeta Viguilla at LLSO II Arnold Aranda.
Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni VM Bong ang kahalagahan ng information technology sa Sablayan bilang daluyan ng progreso at pag-unlad.