MGA KATUTUBO, NAGSIPAGTAPOS NG DRIVING COURSE


Matagumpay na nagsipagtapos kamakailan ang labingpitong (17) mga kabataang Mangyan na kumuha na libreng pagsasanay sa Theoretical Driving Course (TDC) na handog ng Abad-Norella Center for Skills, Inc. Sablayan Branch. Pito (7) sa kanila ang nakakuha na ng student drivers license.
Ang programa ay sumulong sa pag-aaproba ni Dating Bokal Jose A. Norella, Jr. na siya ring Administrator ng paaralan sa lalawigan. Ang proyekto ay bunsod ng panukalang inakda ni Vice-Mayor Walter “Bong” Marquez at inisponsor nina IPMR Ruben C. Aldaba at nina Sangguniang Bayan Mark Anthony O. Legaspi at Robert Z. Dawates. Ang Resolusyon para dito ay itinulak ng kahilingan ng mga katutubong lider bunga ng polisiya ng LTO na dapat ay isa sa mga requirements sa pagkuha ng drivers’ license ang TDC.
Ang mga nagsipagtapos ay sina Pepito K. Magan, Dante M. Kabagtuan, Elmer Habangbuhay, Tantan B. Ramos, Leo Manalo, Aron Egiya at Tingkid Tagagota na mga nakatira sa Calamansian, Brgy. San Agustin.
Lubos na natuwa si VM Bong sapagkat ang mga nagsipagtapos ay ganap nang mabibigyan ng pribilehiyo na legal na magmaneho ng mga sasakyang panlupa.


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office