
MGA MANGINGISDA SA LIGAYA, TUMANGGAP NG TULONG PINANSIYAL
Nakatanggap ng Php 50,000 na cash para sa livelihood assistance ang mga kasapi ng Ligaya Flying Fish Catchers Workers Association mula sa kabutihang loob ni Bokal at Vice-Governor Aspirant Diana Apigo-Tayag sa layong mapataas ang antas ng kabuhayan ng mga nasabing mangingisda.
Ang industriya ng flying fish ay isa sa mga may potensyal na magpapataas ng kita sa pamamagitan ng paghuli ng nasabing uri ng isda na kadalasan ay ginagawang daing. Labis ang pasasalamat ni Gng. Helen Aporbo na siyang pangulo ng samahang ito ng mangingisda dahil hindi nila ito inaasahan. Ang tulong ay bigla na lamang ipinagkaloob ni Bokal Diana Apigo-Tayag matapos makita at madama ang sitwasyon doon ng mga mangingisda na doon lamang umaasa para sa kanilang ikinabubuhay. Ayon pa kay Gng. Aporbo, mabuti naman daw at may puhunan na silang mauumpisahan sapagkat ultimo piso raw ay walang pondo ang kanilang asosasyon.
Ang paghahatid ng ayudang pangkabuhayan sa anyo ng pera ay sinaksihan nina Congressional Aspirant Leody “Odie” Tarriela, SBs JunJun Ventura at McKing Legaspi at SK Fed President at SB aspirant Marffin Dulay, SB Aspirant Nanding Dalangin at SB Aspirant Manny Tadeo.