MGA MANGINGISDA, TUMANGGAP NG MGA KAGAMITAN

Namahagi ng humigi’t-kumulang sa 45 na mga lambat pangisda ang ipinamahagi ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) bilang agapay sa mga mangingisda sa bayan ng Sablayan, ika-23 ng Marso, 2022, sa Sablayan Fish Landing sa Barangay Poblacion sa nasabing bayan.
Ang mga nakatanggap ng tulong ay mga indibidwal na binigyan ng pagkakataon ni Gov. Eduardo B. Gadiano na maiangat ang kanilang kabuhayan na nasalanta sa panahon ng pandemya. Ayon kay Ms. Mae C. Lilawan, Administrative Aid sa OPA, inaasahan ng Pamahalaang Panlalawigan na makakatulong ang mga kagamitang ito sa kanilang hanap-buhay para muling sumigla ang kanilang pang-ekonomiyang pag-iral.
Nanguna sa pamamahagi ng mga kagamitang pangisda sina Vice-Mayor Bong Marquez, Bokal Edwin Mintu, Konsehal McKing Legaspi, Jun-Jun Ventura at mga councilor aspirant Inie Dimaculangan at Nanding Dalangin.
Labis na nagpasalamat ang mga tumanggap ng tulong at nangakong kanilang bibigyang pahalaga ang nasabing proyekto.

© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office