Skip to main content

MGA REQUIREMENTS PARA SA MGA PAPASOK AT LALABAS SA LALAWIGAN NG OCCIDENTAL MINDORO


MGA REQUIREMENTS PARA SA MGA PAPASOK AT LALABAS SA LALAWIGAN NG OCCIDENTAL MINDORO
[Alinsunod sa Executive Order 7-D, Series of 2021 epektibo simula August 16, 2021]
Kaugnay ito sa naganap na masusing pagpapupulong ng Provincial at Municipal Inter Agency Task Force mula sa iba’t-ibang bayan, kung saan napagdesisyunan ang muling pagrerequire ng Negative RT-PCR Test Result sa kabila ng pagiging fully-vaccinated ng isang indibidwal sanhi ng pagtaas ng COVID-19 Delta variant cases sa bansa at sa mas mataas na panganib na dulot nito ayon sa mga eksperto.
Upang mas mapa-igting ang pagsusuri sa iba’t-ibang COVID-19 variants at sa patuloy na pagpapalawig ng seguridad sa Lalawigan laban sa banta nito, nilagdaan ni Governor Ed Gadiano ang Executive Order 7-D, Series of 2021 para sa mga bagong patnubay sa mga papasok at lalabas ng Occidental Mindoro epektibo simula August 16, 2021.
Source: Governor Ed Gadiano Occidental Mindoro FB

Official Website of Sablayan Legislative Office