Skip to main content

“Mindoro’s Jewel of the Deep”


Mahalaga ang Apo Reef, na palasak na tawagin ng mga siyentista na “Mindoro’s Jewel of the Deep”, dahil may malaking kinalaman ito sa lahat ng mga kondisyon na nakakaapekto sa pag-unlad at buhay ng lahat ng mga organismo sa dagat at ito ang kanilang tahanan.
Sa loob nang dalawampu’t limang taon ng pagkakatatag ng Apo Reef bilang isang protected area o pinaka-iingatang pook sa ilalim ng kategoryang likas parke ng kalikasan sa bisa ng Presidential Proclamation 868 na pinagtibay noong ika-6 ng Setyembre, 1996, bilang Ikalawang Punong Bayan ng lugar na kinaluluklukan ng Apo Reef, aking binabati ang Protected Area Management Office ng DENR sa dalawang dekada at kalahati ninyong pagtataguyod, kasama ang inyong mga kaagapay na ahensya at lokal na pamahalaan, upang ang ARNP ay mapanatili at protektahan.

Official Website of Sablayan Legislative Office