
Muling pagrerequire ng Negative RT-PCR Test Result sa kabila ng pagiging fully-vaccinated
BASAHIN: Sa naganap na masusing pagpapupulong ng Provincial at Municipal Inter Agency Task Force mula sa iba’t-ibang bayan, napagdesisyunan ang muling pagrerequire ng Negative RT-PCR Test Result sa kabila ng pagiging fully-vaccinated ng isang indibidwal sanhi ng pagtaas ng COVID-19 Delta variant cases sa bansa at sa mas mataas na panganib na dulot nito ayon sa mga eksperto.
Upang mas mapa-igting ang pagsusuri sa iba’t-ibang COVID-19 variants at sa patuloy na pagpapalawig ng seguridad sa Lalawigan laban sa banta nito, nilagdaan ni Governor Ed Gadiano ang Executive Order 7-D, Series of 2021 para sa mga bagong patnubay sa mga papasok at lalabas ng Occidental Mindoro epektibo simula August 16, 2021.
MGA REQUIREMENTS PARA SA MGA PAPASOK AT LALABAS SA LALAWIGAN NG OCCIDENTAL MINDORO
[Alinsunod sa Executive Order 7-D, Series of 2021 epektibo simula August 16, 2021]
INBOUND TRAVELERS (PAPASOK)
1. Negative RT-PCR Test Result
2. Vaild ID na may larawan at lagda
3. Travel Coordination Permit through S-PASS
PARA SA MGA APOR (Authorized Person Outside Residence)/Essential Traveler:
1. Travel order
2. Travel itinerary
3. Vaild ID na may larawan at lagda
4. Travel Coordination Permit through S-PASS
OUTBOUND TRAVELERS (LALABAS)
1. Travel permit mula sa LGU
2. Vaild ID na may larawan at lagda
3. Negative RT-PCR Test Result (kung ang pagbalik sa Lalawigan ay lalampas sa 72 hours)
RETURNING OVERSEAS FILIPINOS AT OFW
1. Negative RT-PCR Test Result
2. Quarantine Clearance mula sa Bureau of Quarantine
CARGO TRUCK DRIVERS AT HELPERS
1. Para sa mga trucker na taga-Occidental Mindoro: Kopya ng Negative RT-PCR Test Result na dapat sumailalim isang beses sa isang buwan, Food Lane conduct pass at Travel permit mula sa LGU
2. Para sa mga trucker na hindi naman taga-Occidental Mindoro: Negative RT-PCR Test Result na valid 48 hours sa pagkaka-release nito at Business permit
⚠️MAHALAGANG PAALALA: Siguruhing makipag-coordinate sa inyong pupuntahang LGU 48 hours bago bumyahe upang maiwasan ang anumang aberya.
☎️NARITO ANG S-PASS HOTLINE NUMBERS SA BAWAT BAYAN PARA SA INYONG MGA KATANUNGAN:
Abra de Ilog: 0939-575-9984
Paluan: 0916-916-9691
Mamburao: 0956-478-1967 / 0931-958-5810
Sta. Cruz: 0965-069-6905 / 0909-817-4035
Sablayan: 0956-360-5471
Calintaan: 0917-847-0115 / 0918-512-4636
Rizal: 0951-628-0883
San Jose: 0967-003-2793 / 0968-629-7399
Magsaysay: 0930-719-9780
Lubang: 0912-851-4416 / 0947-461-8847
Looc: 0939-562-8990
Maraming salamat po.
Isang ligtas at mapayapang pagbyahe po sa ating lahat!
Source: Governor Ed Gadiano Occidental Mindoro FB