
Municipal Health Office at DOH-Human Resources for Health
Tingnan:
Naganap ngayong araw, sa pangunguna nila Municipal Health Officer-Meldie D. Soriano MD, MHA, RHU North- Medical Officer IV-Ma. Socorro P. Ragos MD, RHU South- Medical Officer IV-Dani Kay G. Ariola, kasama ang mga empleyado ng Municipal Health Office at DOH-Human Resources for Health ay nagkaroon ng:
✅Pakikipagpulong sa ating Municipal Mayor- Hon. Walter B. Marquez upang ipahayag ang lahat ng issues and concerns ng 3 Rural Health Units. Layunin nito na ipagpatuloy at patibayin ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga Sablayeños
✅Pamamahagi ng mga Bisekleta sa 22 Barangays para sa BHWs bilang service vehicle nila sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa kanilang nasasakupan
✅Pamamahagi ng bagong Examination Table at iba pang commodities para sa mas maayos na prenatal check -up ng mga buntis sa barangay health stations
✅Pagplaplano para sa mga hakbang at stratehiya sa Covid 19 Vaccination in relation sa 100 Days Presidential Directives upang makamit ang AlertLevel1 Municipality
✅Pagpapakilala sa mga section heads at bagong empleyado ng MHO
#BawatBarangayMatibay
#HRHSablayaninAction
#MHOontheGO