
Nagbunga ang panawagan ni Vice-Mayor Walter “Bong” Marquez para sa Green Energy
Nagbunga ang panawagan ni Vice-Mayor Walter “Bong” Marquez para sa Green Energy noong Earth Day 2021 dahil ang Pamahalaang Lokal ang Sablayan ay nakatanggap ng isang letter of intent mula sa WeGen Laudato Si, Inc. (WGLS) President Charlito S. Ayco para sa Solar PV Project o ang Sablayan Green Energy Project na maaaring itayo sa mga piling pasilidad ng Pamahalaang Lokal, mga simbahan, paaralan at iba pang proyekto sa hinaharap. Sa kagyat, isa ang Legislative Building o ang ating Batasang Pambayan sa maaari nang instelahan.
Ang WGLS ay isang special purpose company na nabigyang inspirasyon ng encyclical letter ni Pope Francis na nananawagan para sa ecological conversion para pangalagaan ang daigdig. Sabi sa kanilang website, “ WGLS was formed specifically to work closely with the Catholic Church and other religious communities in the country. We also encourage various sectors of society to shift from using conventional sources of energy to clean, renewable energy from the sun.”
Ipagdasal po natin na matuloy ang magandang proyektong ito.
Salamat po.