
“Nagtrabaho ako bilang Emergency Flight Nurse sa Dubai sa loob ng labinlimang (15) taon bago ako naging konsehal ng bayan ng Sablayan” – SB Kristofferson V. Urieta
Nagtrabaho ako bilang Emergency Flight Nurse sa Dubai sa loob ng labinlimang (15) taon bago ako naging konsehal ng bayan ng Sablayan. Napakaraming makabuluhang karanasan ang naituro sa akin nito. Isa na rito ang buwis-buhay naming pagresponde tuwing may aksidente — sa gitna man ito ng kalsada, sa disyerto, sa dagat, o maging sa taas ng bundok. Sa trabaho ko noon, buhay ng pasyente ang pangunahin naming prayoridad. At kapag nasa bingit sila ng kamatayan, kinakailangan ng maingat na decision-making sapagkat ang bawat segundo ay napakahalaga.
Sa ngayon, masasabi kong napakalaki ng ambag nito sa aking serbisyo. Lagi kong tinitingnan ang mga pangangailangan ng ating bayan at mga lumalapit na mamamayan bilang may napakakritikal na kondisyon o pangangailangan. Hindi ako saludo sa band-aid solution o pansamantalang tulong o pagresponde lamang. Sa akin, ang bawat aksyon ay dapat planado at may patutunguhan. Napakahalaga na matugunan ang pangangailangan base sa kondisyon ng isang isyu o problema.
#ThrowbackSunday
#NoToBandAidSolution
#atyourserVICEpo_BongUrieta
#AnakNgSablayan
#UnaLagiAngBayan