
Nakapag-akda ang tanggapan ni Konsehal Bong Urieta ng 131 ORDINANCES at 79 RESOLUTIONS
Makalipas ang isang taong termino buhat sa paghalili ko sa iniwang posisyon ng aking yumaong ama noong 2018, buong puso akong tumakbo sa kaparehas na posisyon. Dahil na rin marahil sa pagpapadama ko ng aking malinis na intensyon at pagpapakita ng maayos trabaho, ako ang naguna sa pagkokonsehal na may kabuuang boto na 15, 902. Hanggang sa ngayon ay bitbit ko po ang walang hanggang pasasalamat sa inyong mainit na suporta at pagmamahal simula noong umpisa, Sablayeños.
Bilang kapalit ng inyong tiwala, malugod ko pong ibinabahagi na ang aking tanggapan ay nakapag-akda ng 131 ORDINANCES at 79 RESOLUTIONS sa loob lang ng halos tatlong (3) taon. Marami sa mga ito ang sumasaklaw sa pagtugon sa mga sumusunod na usapin at pangangailangan ng ating mamamayan tulad ng:
✔️ Health, Nutrition, and Sanitation;
✔️ Safe and Clean Water Resources;
✔️ Safe and Clean Energy Resources
✔️ Public Works;
✔️ Public Infrastructure;
✔️ Public Transportation
✔️ At Marami pang iba na may kinalaman sa pagsasaayos ng kalagayan at proseso ng maraming sektor at ilang indibidwal sa ating bayan.
Hindi pa rito nagtatapos ang aking mga plano para sa inyo, Sablayeños. Nagsisimula pa lamang po tayo at ipagpapatuloy ko ang aking serbisyo
#atyourserVICE_BongUrieta
#AnakNgSablayan
#UnaLagiAngBayan
#KonseOne