Nakiisa ang tanggapan ni Konsehal Bong Urieta sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week


At your SerVICE po:
Nakiisa ang tanggapan ni Konsehal Bong Urieta sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week nitong October 1-7 na may temang “Healthy and Productive Aging Starts With Me”.
Ang naturang pagdiriwang ay pinangunahan ng Local Government Unit ng Sablayan sa pamumuno ni Mayor Andy Dangeros at ilang myembro ng Sangguniang Bayan kaisa ang tanggapan ng Social Welfare and Development. Ito ay taunang selebrasyon sa ilalim ng Proklamasyon Bilang 470, Serye 1975 ng Pangulo ng bansa.
Layunin nito ang kilalanin at parangalan ang mga naging kontribusyon ng mga elderly Filipinos sa iba’t ibang ang larangan sa ating lipunan. Binigyang diin rin na prayoridad ng lokal na pamahalaan ang kalusugan ng ating mga lolo at lola sa gitna ng pandemya.
#atyourserVICEpo_BongUrieta
#AnakNgSablayan
#UnaLagiAngBayan


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office