Skip to main content

Nakiisa si Konsehal Bong Urieta sa isinagawang Basic Life Support Training


Nakiisa si Konsehal Bong Urieta sa isinagawang Basic Life Support Training na inorganisa ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRMMO) nitong October 20-22 sa ABC Hall Building, Sablayan Municipal Compound.
Layunin ng pagsasanay na mabigyan ng pangunahing kaalaman sa basic life support at first aid ang mga partisipante, kabilang ang mga piling miyembro ng 22 Barangay ng Sablayan, mga kawani ng MDRRMO, at ilan ring kawani ng mga tanggapan sa Munisipyo.
Bilang naging dating bahagi ng Emergency Flight Team sa Dubai, binigyan ng ilang paalala at kaalaman ni Konsehal Urieta ang mga dumalo sa naturang training.
Ang programa ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng panunungkulan ni Mayor Andy Dangeros at Punong Opisyal ng MDRMMO na si G. Arcris D. Canillo.

Official Website of Sablayan Legislative Office