Skip to main content

Nakikiisa ang pamilya at tanggapan ni Konsehal Bong Urieta sa pagdiriwang ng Arawatan Festival 2021


Tema: “Kulturang pinagyamanan sa Kasalukuyang Panahaon, Nagkakaisang Mindoreño Tayo ay Babangon”.
Ang “Arawatan” ay salitang Mangyan na ang ibig sabihin sa Tagalog ay “Pagkakaisa”, “Pagbabayanihan”, o “Pagtutulungan”. Ang festival na ito ay taunang selebrasyon na isinasagawa sa ating probinsya bilang komemorasyon at selebrasyon sa pagkakatatag ng dalawang probinsya – ang Occidental Mindoro at Oriental Mindoro. Sa bisa ng Proclamation No. 211, S. 1950, na nilagdaan ng dating pangulong Elpidio Quirino, ang November 15 ay ang opisyal na araw ng pagkakatatag ng nasabing dalawang probinsya.

“Sa kabila ng patuloy na pagsubok na ating kinahaharap ngayong pandemya, ang ating pagkakaisa at pagtutulungan ang pinakamatibay na sandata. Gayundin, samahan natin ng buong pusong pananampalataya sa ating Panginoon upang patuloy nating makakaya ang mga hamon sa buhay. Unti-unti, tayo ay muling makakabangon, Mindoreños! Arawatan!” – Konsehal Bong V. Urieta

#atyourserVICEpo_BongUrieta
#AnakNgSablayan
#UnaLagiAngBayan
#KonseOne

Official Website of Sablayan Legislative Office