
Oath Taking of Barangay and SK Officials
Ang mass oath taking ceremony para sa mga bagong halal na Barangay at Sangguniang Kabataan Officials ng lahat ng 22 barangay sa ating Bayan ay ginanap sa Sablayan Convention Center ngayong araw, Nobyembre 14, 2023.
Matagumpay itong pinangasiwaan ng ating Lokal na Punong Tagapagpaganap, Mayor Walter B. Marquez, kasama po ng ating Vice-Mayor Edwin N. Mintu, Cong. Leody Tarriela, Gov. Eduardo B. Gadiano, DIR. Juanito D. Olave Jr. of DILG, Mun. Admin. Norman Novio, at ng Sangguniang Bayan Members ,Hon. Clarinda A. Lorenzo, Hon. Alfredo Ventura, Hon. Marffin Dulay, Hon. Manny Tadeo, Hon. Conchita Dimaculangan, Hon. Hon. Mark Anthony Legaspi, Hon.Nancy Landicho MD , Hon. Maxima Lim at IPMR Abraham Padua.
Welcome and Congratulations! Patnubayan po kayo ng Poong Maykapal. Ipagpatuloy po ninyo ang inyong magandang hangarin para sa ikabubuti ng Barangay. Kayo ay magkaisa at maglingkod ng tapat sa sinumpaang tungkulin. Pagpalain kayong lahat at ang inyong mga adbokasiya para sa mga mamamayan ng Sablayan!🎊🎉