ORYENTASYON PARA SA MGA APLIKANTE NG CALL CENTER, ISINAGAWA

ORYENTASYON PARA SA MGA APLIKANTE NG CALL CENTER, ISINAGAWA
Sa atas ng ating butihing Gobernador Eduardo Gadiano at inisyatibo ni Ms. Grace Fille, Isinagawa nitong ika-anim at ikalabing-tatlo ng Agosto ang oryentasyon para sa call center dito sa tanggapan ng PGOM-Sablayan.
Layunin ng aktibidad na ito na mas maintindihan ng mga aplikante ang mga gagawin at takbo ng kanilang magiging trabaho at pati ang mga trainings na pagdadaanan.
Bahagi parin ito ng programa ng ating Gobernador at ng pamahalaang panlalawigan na makatulong at mabigyan ng trabaho ang mga mamamayang Mindoreño.
Para sa mga nagnanais na mag-apply ay maaaring pumunta lamang sa PGO-Sablayan Extension at hanapin si Mr. Jhok Dela Cruz – PESO Staff.
Narito ang mga kinakailangan para sa pag apply:
* Atleast College Level o College Graduate.
* Letter of Intent na naka-address sa ating Gobernador.
* Isang kopya ng Valid ID at Vaccination Card
* Resume o Curriculum Vitae.
#SerbisyongGanado
#PGOMSablayan


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office