
OVM, OPA AT PHILMECH, NAGLUNSAD NG ORYENTASYON
Hiniling ng Tanggapan ng Pangalawang Punong Bayan kay Gobernador Eduardo B. Gadiano sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist at Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) upang makapaglunsad ng oryentasyon para sa mga organisadong samahan ng mga magsasaka para maging benipisyaryo ng programang mekanisasyon na isinagawa sa Legislative Building, Sablayan, Occidental Mindoro, Hunyo 24, 2021.
Matatandaan na labis na naapektuhan ang mga magsasaka ng palay ng ipatupad ang RA 11203 o Rice Tariffication Law at mekanisasyon ay isa sa pamamaraan upang mabawasan ang gastusin sa pagsasaka. Ayon kay Engr. Kenneth R. Calderon, Science Research Analyst ng PhilMech, ang kanilang opisina ang siyang naatasan upang maihatid ang serbisyong ito sa ating mga magsasaka, lalo na sa Sablayan na tinaguriang rice granary ng Occidental Mindoro. Ang kailangang dokumento at proseso para makatanggap ng post-harvest mechanization ay nailahad.
Ipinagmalaki ni Engr. Rodolf Asejo ang magandang ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro at ng PhilMech, kaya naman, simula ng ipatupad ang programa, marami ng organisadong grupo ng mga rice farmers ang natulungan.
Nais naman ni Vice- Mayor Bong B. Marquez na bigyang prayoridad ang mga accredited farmers organization ng Sangguniang Bayan, sapagkat sila na ang mga pumasa sa mga itinatakdang panuntunan. Naniniwala ang Pangalawang Punong Bayan na maiibsan ang dagok ng RTL sa programang ito at napapanahon ang tulong na ito.
Nagtalaga din ng mga kawani ang Pangalawang Punong Bayan para pag-aasikaso ng kakailanganin ng mga magsasaka.
Ang PHilMech ay may layong mag-extend at magsa-komersyo at tulungan ang mga nasa sektor ng agrikultura at pangisdaan hindilamang sa teknolohiya ng makinasyon kundi maging sa pamamaraan at sistema ng agrikultura sa pangkalahatan.
Kasama rin sa oryentasyon sina Engr. Erjoh C. Dinglasan ng PHilmech at Celia B. Baranda ng Office of the Municipal Agriculturist.