
PAANO ANG TAMANG PAGGAMIT NG FACEMASK
Sablayeños, sa muling pagbubukas ng ilang mga pampublikong pasyalan, ugaliin pa rin natin ang pagsuot ng facemask at tiyaking isinasagawa ang social distancing. Mas masayang salubungin ang kapaskuhan ng may malusog na pangangatawan.
Narito kung PAANO ANG TAMANG PAGGAMIT NG FACEMASK
☑️ Bago isuot ang FACEMASK:
Tiyaking malinis ang kamay bago hawakan at isuot ang facemask. Maghugas ng kamay gamit ang sabon o kaya maglagay ng alcohol.
☑️ Habang nakasuot ng FACEMASK:
1. Tiyaking nasasakop nitong takpan ang iyong bibig at ilong. Dapat walang awang o “gap” habang suot ito.
2. Iwasan ang pagkapit o paghawak nang madalas sa facemask. Kung hindi maiiwasan, siguraduhing malinis ang kamay.
3. Regular na palitan ito. (Kung ito ay washable, tiyakin na nasa malinis itong lugar kapag isinampay. At kung ito naman ay “for single-use” mask, huwag nang gagamitin pa sa ikalawang pagkakataon.)
☑️ Kapag itatapon na ang FACEMASK:
1. Tanggalin ang facemask mula sa tali na nakasabit sa magkabilang tenga. Huwag hahawakan ang facemask sa harapang bahagi.
2. Agad na ilagay ang facemask sa basurahan at tiyaking ito ay natatakpan.
3. Linisin ang kamay gamit ang alcohol-based hand rub o ang tubig at sabon.
Reference: World Health Organization (WHO)
#atyourserVICEpo_BongUrieta
#AnakNgSablayan
#UnaLagiAngBayan
#KonseOne