
PAGBABAHAGI NG TULONG PINANSYAL
𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: ISINAGAWA ANG PAGBABAHAGI NG TULONG PINANSYAL PARA SA OUT OF SCHOOL YOUTH (OSY) BALIK ESKWELA at TULONG PANGKABUHAYAN/LIVELIHOOD ASSISTANCE
Ngayon araw ay isinagawa ang pagbibigay ng tulong pinansyal para sa pag-aaral ng mga kabataan ,sa pangunguna ng ating mahal na Gov. Eduardo Gadiano , at sa suporta ng ating mahal na Vice Mayor Edwin Mintu, kung saan 31 beneficiary’s ang nabigyan para sa Educational assestance na nagkakahalaga ng anim na libo(6,000) bawat estudyante. Nagkakahalaga ng 186, 000 ang kabuoan ng tulong pinanansyal ang naipamahagi para sa balik skwela ng mga mag-aaral ng sablayan.
Nabigyan din ng tulong pinasyal ang ilang mga Sari-sari store ng barangay Sto. Niño, na sina, Mrs. Princess Castillo, Mrs. Letty Malacad Catalino, Mrs. Ledisma Ramos,at Mrs. Nancy Bermudo kasama ang samahan ng tindero at tindera sa palengke.
Ibinahagi ang pagbibigay pinansyal katuwang si Vice Mayor Edwin Mintu, ang PGO OIC Engr. III Diosdado Capiral at PSWDO Staff na sina Sir Arnel Medico, Sir Arnel Flor, Ms. Jennifer Recentes at Micheal Caponpon.
Kahilingan ng ating mahal na Vice Mayor Edwin Mintu sa ating mga mag-aaral na mag-aral ng mabuti upang magkaroon ng magandang kinabukasan, makatulong sa magulang at sa pamahalaan. Sa mga negosyante, lalo pa nila mapanatili at mas lalo pa mapaunlad ang kanilang negosyo.
Isang mapagpalang araw po sa lahat!❤️
#batangsablayan