Skip to main content

PAGBIBIGAY NG LIVELIHOOD ASSISTANCE MULA SA PGO PARA SA SABLAYAN

Ngayong araw, Miyerkoles, Hulyo 13, 2022, sa patuloy na pagbibigay serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Ed Gadiano, tumanggap ng Livelihood Assistance ang ating mga kababayan dito sa Bayan ng Sablayan.

Mahigit 23 individuals [beneficiaries] ang tumanggap ng assistance kasama ang Maharlika Fish Vendor Association na napagkalooban ng Php. 80, 000 at Ligaya Flying Fish Catches Workers Association na nakatanggap naman ng Php. 50, 000.

Naroon at nagbigay ng mensahe si Vice–Mayor Edwin, “Kailangan ipadama natin sa ating mga kababayan na mahalaga sila at handa tayong makipagtulungan para sa kanilang pagsisimula,” aniya. “Sa mga ganitong programa ay unti-unting makakabangon ang ating ekonomiya at babangon tayong lahat mula sa pandemya.”

Ang mga napagkalooban ng mga nasabing tulong-pangkabuhayan at tulong-pinansyal ay masusing dumaan sa berepikasyon at interview ng Provincial Social Welfare and Development Office upang masigurong matatangap ng mga nasabing asosasyon o indibidwal ang mga tulong na naayon sa kanilang hiniling at pangangailangan.

Ang nasabing Livelihood Assistance Distribution ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare & Development Office sa pangunguna ni Social Welfare Officer V-PSWD Assistant Department Head Sir Arnel G. Medico. Dumalo rin si SB Member Clarinda A. Lorenzo na siyang bagong talaga bilang Committee on Social Services.

Official Website of Sablayan Legislative Office