Skip to main content

Pagbibigay ng payong para sa kanilang pinagkakakitaan


Natikman nyo na ba ang kanilang Kwek-Kwek, Fish ball, Kikiam, ang masarap nilang pritong Lumpia at kasama ang kanilang masarap na sawsawan?
Sila ang mag-asawang Paul at Naneng Gonzaga ng Barangay Buenavista na humiling sa akin ng payong para sa kanilang pinagkakakitaan. Maaari nyong matikman ang kanilang mga tinda sa gilid lang po ng Sangguniang Bayan building.
Saludo ako sa kasipagan ninyong mag-asawa.

Si ate Tecy Espera Gerance ng Barangay Poblacion ay humiling din ng Payong sa aking tanggapan para magamit nya sa pagtitinda. Makikita nyo rin sya minsan sa gilid ng Sangguniang Bayan Building.
Napakasipag ni ate Tecy, sa kabila ng kanyang edad ay isang masiyahin at makikitang sya ay nag eenjoy sa kanyang ginagawa.
Pangingatan nawa kayo ng Poong may kapal sa araw-araw niyong ginagawa.

SB ROBERTO “OBET” LIM

Official Website of Sablayan Legislative Office