
Pagbubuklod para sa Kaligtasan at Kalusugan ng Bayan
Simula nang si Andres Bonifacio, ang Ama ng Katipunan, ay isilang at nagkaisip, siya ay lumaki at hinubog ng mga kaganapan na nagbunsod sa kanyang isipin ang kapakanan ng bayan higit sa lahat.
Sa pagdiriwang ng ika-158 kaarawan ngayon ng Dakilang Manggagawa, aking binabati at hinahamon ang mga mamamayan ng bayan nating liyag na Sablayan na gawing inspirasyon ang kanyang kabayanihan.
Maging totoong Gat Andres nawa tayo sa katapatan at kahusayan, sa katapatan sa salita at sa gawa, sa totoong buhay at pakikipamuhay.
Sa tema ngayong taon na, “Pagbubuklod para sa Kaligtasan at Kalusugan ng Bayan”, binabati ko kayo ng isang makahulugan at mapagpalayang pagdiriwang po sa ating lahat.
Sa layuning gawing matibay ang bawat barangay, sugod mga kapatid!