
Pagdiriwang ng 2022 National Fire Prevention Month
𝐀𝐭 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐬𝐞𝐫𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐩𝐨: Nakikiisa po ang aking tanggapan at pamilya sa pagdiriwang ng 2022 National Fire Prevention Month. 𝗪𝗲, 𝗦𝗮𝗯𝗹𝗮𝘆𝗲𝗻̃𝗼𝘀, 𝗺𝘂𝘀𝘁 𝗹𝗲𝘃𝗲𝗹 𝘂𝗽 𝗼𝘂𝗿 𝘀𝗲𝗻𝘀𝗲 𝗼𝗳 𝗶𝗻𝘃𝗼𝗹𝘃𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗶𝗻 𝗽𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗳𝗶𝗿𝗲 𝗼𝗰𝗰𝘂𝗿𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲𝘀. Matinding kalaban ang apoy, at ang ibayong pag-iingat o kamalayan ang ating magiging sandata upang mapigilan ito.

Ayon sa tala ng Bureau of Fire Protection (BFP), tumaas ng 13% na may kabuuang bilang na 2,103 ang fire incidents sa buong bansa sa unang dalawang buwan pa lamang ng taong 2022 kumpara sa bilang nitong 1,863 noong 2021 sa kaparehas na mga buwan.
Kaya naman layunin ng ahensya ngayong 2022 National Fire Prevention Month celebration na may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog Hindi ka Nag-iisa” ang ipabatid at ipaalala sa publiko na ang fire prevention ay hindi lamang sole responsibility ng naturang ahensya, bagkus ay “shared responsibility”.
Hinihiling rin ng BFP na ang laban kontra sa sunog ay hindi lamang kanilang laban, kundi laban rin ng bawat Pilipino. Hinihikayat nila na kinakailangang pag-igtingin ang ating awareness kontra sunog at ang ibayong pag-iingat sa paggamit ng mga electrical devices. Sa pag-aaral na ginawa ng ahensya, mas dumarami ang hindi maingat sa paggamit ng electrical connections ng mahabang oras na nagreresulta sa pagbabalewala ng fire safety measures.
Narito ang ilang paalala at mahahalagang impormasyon ukol sa fire prevention:

MGA TIP UPANG MAGING LIGTAS SA SUNOG – San Francisco Fire …