Skip to main content

Pagdiriwang ng ika-120 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bayan ng Sablayan

𝐀𝐭 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐬𝐞𝐫𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐩𝐨: Buong pusong dumalo at nakiisa si 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐞𝐡𝐚𝐥 𝐁𝐨𝐧𝐠 𝐕. 𝐔𝐫𝐢𝐞𝐭𝐚 sa pagdiriwang ng ika-120 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bayan ng Sablayan kanina. Sa pangunguna ng pamunuan ni Mayor Andres D. Dangeros, sinimulan ang naturang selebrasyon sa isang Banal na Misa na isinagawa ni Fr. Ronald Panganiban.
Naging bahagi rin ng pagdiriwang ang pagpapasinaya at pagbabasbas sa mga gusaling proyekto at sasakyan ng bayan.
Dinaluhan ang nasabing gawain ng mga matataas na opisyal ng lalawigan at bayan. Kabilang sa mga dumalo at sumaksi sa aktibidad ay sina Congresswoman Josephine Y. Ramirez-Sato, Governor Eduardo Gadiano, NBI Regional Director Rommel J. Vallejo, DILG Provincial Director Juanito D. Olave Jr., Sangguniang Bayan members at mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Sablayan.
📝 Source: Official FB Page of Mayor Andy Dangeros
#𝒂𝒕𝒚𝒐𝒖𝒓𝒔𝒆𝒓𝑽𝑰𝑪𝑬𝒑𝒐_𝑩𝒐𝒏𝒈𝑼𝒓𝒊𝒆𝒕𝒂
#𝑨𝒏𝒂𝒌𝑵𝒈𝑺𝒂𝒃𝒍𝒂𝒚𝒂𝒏
#𝑼𝒏𝒂𝑳𝒂𝒈𝒊𝑨𝒏𝒈𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏
#𝑲𝒐𝒏𝒔𝒆𝑶𝒏𝒆

 

Official Website of Sablayan Legislative Office