Skip to main content

Paggawad ng 1 Unit Rotary Composter at 1 Unit Multi Purpose Shredder

𝐀𝐭 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐬𝐞𝐫𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐩𝐨: Pinangunahan ni Mayor Andres D. Dangeros kasama si 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐞𝐡𝐚𝐥 𝐁𝐨𝐧𝐠 𝐕. 𝐔𝐫𝐢𝐞𝐭𝐚 at ilang piling mga opisyal ang paggawad ng 1 Unit Rotary Composter at 1 Unit Multi Purpose Shredder na kinabibilangan ng mga sumusunod na 5 kooperatiba sa ating munisipalidad:
☑️ Samahang Gumagawa Tungong Tagumpay (SAGUTT MPC);
☑️ Tuban Blessed Farmers (TUBFARMCO MPC);
☑️ San Miguel MPC (SAMMUCO);
☑️ Bukang Liwayway (BUKAL MPC); at
☑️ Family Arrange the Resources and Manage MPC (FARM MPC).
Ang naturang gawain ay inityatibo ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) sa ilalim ng Department of Agriculture – Regional Field Office (DA-RFO) MIMAROPA na naglalayong palakasin at isulong pa ang paggamit ng Organic Agriculture sa ating bayan sa tulong mga kooperatiba.
Kasama rin sa pagsaksi sa paggawad sina Konsehal JB Ani-Dawates, Konsehal Greg A. Villar, OIC-MAO Reynaldo Factor kasama ang kawani ng OMA at mga miyembro ng mga kooperatibang nabanggit.
Source: FB Page of Mayor Andy D. Dangeros
#𝒂𝒕𝒚𝒐𝒖𝒓𝒔𝒆𝒓𝑽𝑰𝑪𝑬𝒑𝒐_𝑩𝒐𝒏𝒈𝑼𝒓𝒊𝒆𝒕𝒂
#𝑨𝒏𝒂𝒌𝑵𝒈𝑺𝒂𝒃𝒍𝒂𝒚𝒂𝒏
#𝑼𝒏𝒂𝑳𝒂𝒈𝒊𝑨𝒏𝒈𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏
#𝑲𝒐𝒏𝒔𝒆𝑶𝒏𝒆

Official Website of Sablayan Legislative Office