
Paglagda sa kontrata sa pagitan ng ating Lokal na Pamahalaan at Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation
SbBongInAction | Paglagda sa kontrata sa pagitan ng ating Lokal na Pamahalaan at Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation (OMCPC) para sa pagtatayuan ng Off Grid 6 megawatts Diesel Fired Power Plant.
Sa pangunguna ng ating Mayor Andres Dangeros kasama si Konsehal Bong Urieta (Chairperson, Committee on Energy), OIC-Municipal Admin. Buenafe Quiatchon, Chief of Operations Officer Calvin Luther Genotiva, Shift Superintendent Engr. Paterno Dalangin, Community Relations Officer /Admin Rolando Ilustre.
Ang nasabing lagdaan ay nagkaroon ng katuparan dahil sa ugnayan ng dalawang panig upang magkapagbigay ng magandang serbisyo. Malaking tulong ang dagdag na suplay ng kuryente upang malunasan ang pagkakaroon ng brownout sa ating bayan.
Isasagawa ang backfilling para sa napiling lokasyon na pagtatayuan ng Power Plant.
Ang programa ay sinaksihan ni LEDIPO Erminda V. Vicedo at Attorney Abijah B. Valiente.
#konseOne
#anakngsablayan
#unalagiangbayan