PAGMAMAHAL NG ISANG INA SA SANGGOL NA NASA KRITIKAL NA KALAGAYAN

Ngayong araw po ng Myerkules, ika 20 ng Hulyo ay ating binigyang lunas ang problema ng isa nating kababayan na matatandaang lumabas sa programang TV patrol sa panayam ni Dennis Datu sa ating Occidental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) at nakasama din po ang inyong lingkod sa nasabing programa.

Siya po si Mrs. Rachelle Martinez na tubong Cabacao sa bayan ng Abra de ilog at ngaun ay nangungupahan sa Mamburao. Sa edad na 24 years old ay halos pasan na ni Rachelle ang mundo dahil sa hirap ng damdamin na kanyang pinagdadaanan ngaun, ang kanyang baby na si Zabrinah Martinez na 11 months pa lang ay nasa kritikal na kalagayan dahil sa sakit na Dengue pati na din ang kayang 4 years old na kapatid na si Earl Matthew Codico ay tinamaan na din.Matatandaan na ang probinsya ng Occidental Mindoro ay nasa dengue outbreak kung kayat maigting ang kampanya natin laban dengue sa pamumuno ni Gov. Eduardo B. Gadiano.

Bilang Committee chairperson ng Health sa Sangguniang Panlalawigan ay agad nating inaksyonan ang pangangailangan ni Rachelle dahil sa nasabing interview ay lumuluha siya dahil isa pa sa kanyang problema ay pagkain nilang pamilya habang nasa ospital. Agad tayong nakipag coordinate pagkatapos natin siya sa makausap sa opsina ng PSWDO sa tulong ni Ms. Rowena Tiuzen at pamumuno ni Mrs. Sally Delos Reyes Lamoca upang mabigyan ng medical assistance dahil sa urgency ng sitwasyon. Buhay ang hinahabol at pinapangalagaan natin. Iginawad ni EAV Mrs. Malou Cologan bilang kinatawan ni Gov. ED Gadiano ang nasabing tulong mula sa kapitolyo.

Maraming salamat po.
#MrAKAPHUB
#SerbiSIOSON


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office