Skip to main content

“PAGPAPASINAYA NG BARANGAY HEALTH STATION AT SOLAR STREET LIGHTS”


Isinagawa ang pagpapasinaya ng Barangay Health Station para sa Sitio Calamansian, Barangay San Agustin.
Pinangunahan ang pagdalo sa programa ito nila Mayor Andres D. Dangeros, SB Member Bong V. Urieta, SB MemberJB Ani Dawates, SB Member Obet Lim, ABC President Fernando Baliao Jr, Punong Barangay Yolanda Patingan, Former SB Member Che Quiatchon at LGU North Extension Administrator Cesar Bicera kasama ang mga Pastor sa pangunguna ni Pastor Reynante Rada upang basbasan ang mga proyekto.
Bilang tugon nila Sitio Leader Baterya Maayos kasama si Mar Dapito bilang kinatawan ng nasabing Sitio Calamansian, sila ay lubos na nagpapasalamat kay Mayor Andy sa mga programang gaya nito na ang lubos na makikinabang ay ang kanilang mga kapwa katutubo. Kabilang sa mga naibigay sa nasabing lugar sa nagdaang taong 2020 ay ang 1 unit Motorized Sidecar (Chariot) at noong Marso 2021 ay ang IP Bagsakan Center na mula sa Pamahalaang Lokal.
Lubos din ang pasasalamat ng nakatalagang Barangay Health Worker dahil meron na silang magagamit katuwang ang Midwife sa pagkokonsulta, pagbabakuna sa mga sanggol na hindi na kelangan pumunta pa ng barangay para don isigawa ito.

 

Official Website of Sablayan Legislative Office