Pagsasakatuparan ng kahilingang lupa na magsisilbing daanan ng mga taga Sitio Lulu, Sta. Lucia


At your serVICE po:
Noong October 29, personal na pinasalamatan nina Konsehal Bong Urieta, Mayor Andy Dangeros, Konsehal Obet Lim, Konsehal JB Dawates, at Konsehal Greg Villar sina G. Lope Ebora at Bb. Rachelle Ordenes sa pagsasakatuparan ng kahilingang lupa na magsisilbing daanan ng mga taga Sitio Lulu, Sta. Lucia.
Bago nito, lumapit ang ilang mamamayan ng nasabing lugar sa tanggapan ni Mayor Dangeros at Konsehal Urieta upang idulog ang naturang kahilingan. Sa pakikipagtulungan rin ng mga barangay officials upang mamagitan, nabigyang katuparan ang kanilang kahilingan.
Kaya naman lubos ang pagkilala ng tanggapan ni Konsehal Urieta sa kadakilaan ng puso nina G. Ebora at Bb. Ordenes. Aniya, ang naturang pagtupad o pagbahagi ng lupa upang magsilbing daanan ng kanilang mga kabarangay ay pagpapakita ng tunay na malasakit at pagmamahal sa kapwa.
Gayundin, lubos ang pasasalamat at kasiyahan ng kanilang mga kabarangay sa kanilang kabutihan.
#atyourserVICEpo_BongUrieta
#AnakNgSablayan
#UnaLagiAngBayan
#KonseOne


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office