
PAKIKIISA SA TAUNANG BRIGADA ESKWELA 2021
PAKIKIISA SA TAUNANG BRIGADA ESKWELA 2021
Patuloy pa rin ang pamimigay ng Chairman ng Komite ng Edukasyon sa mga humihiling para sa kanilang paaralan ngayong nagsisimula na ang eskwela para sa taong 2021-2022. Noong nakaraang buwan Agosto 3, 2021 ay inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na nakatakda nang magsimula ang Brigada Eskwela para sa School Year 2021-2022 na nagtapos noong Setyembre 30, 2021 na may temang “Bayanihan para sa Paaralan” na naglalayong pagtibayin ang pagbabayanihan ng Kagawaran ng Edukasyon at ng mga stakeholders para sa patuloy na paghahatid ng dekalidad na Edukasyon sa kabila man ng pandemya ngayong darating na pasukan.
Ang Brigada Eskwela ay isang taunang programa ng pamahalaan bago ang pagsisimula ng bawat school year. Sinimulan sa isang Local School Board Meeting at Committee Hearing na ginanap sa Sangguniang Bayan Session Hall, Legislative Building Municipal Compound na dinaluhan ng Chairman ng Komite ng Edukasyon Konsehal Obet Dawates PSDS Ma’am Marilyn Fille,Head Teacher, Principal/OIC ng Sablayan North at South District at mga piling Pinuno ng Kagawaran ng LGU para sa pagtatalakay ng nasabing programa.
Bukas palad lagi si Konsehal Obet Dawates para sa mga eskwelahan na lumalapit sa kanyang tanggapan, kaya naman nakikiisa siya sa Brigada Eskwela 2021 sa pamamahagi ng mga pangunahing kailangan tulad ng mga alcohol, facemask, printer, bond papers, mga kagamitan para sa pagsasaayos ng halamanan at gulayan sa paaralan, pati na rin ang konkretong pagpapabakod ng eskwelahan ay kanyang isinakatuparan. Maliit man o malaki ang ating naibibigay ito ay pagtugon para lahat ng humihiling ay mapagbigyan.
#KasamaNyoNaNoonNgayonAtSaSusunodPangPanahon