Skip to main content

Pakikipagpulong sa mga presidente ng Tricycle Operators and Drivers Association(TODA)


SbBongInAction | “Ang isipin natin ay ang inyong mga anak, ang inyong pamilya na uuwian ninyo sa bahay galing sa trabaho” -Konsehal Bong Urieta
Pakikipagpulong sa mga presidente ng Tricycle Operators and Drivers Association(TODA) kasama ang opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office.(MDRRMO)
Layunin ng nasabing pagpupulong na hikayatin ang mga miyembro ng TODA na magpabakuna kontra covid 19 bilang pagtalima sa programa ng Department of Health.
Mahalaga ang gawain ito para sa kaligtasan ng ating mga kasamang TODA sa kanilang pang-araw araw na paghahanap-buhay sapagkat isa sila sa mga frontliner ng ating bayan.
Kaisa ang ating Konsehal Bong Urieta kasama si MDRRMO Arcris Canillo, PEMS Joshua Briguera Alert Patrol Supervisor sa paghihikayat at pagbibigay ng impormasyon sa kahalagahan ng bakuna para sa paglaban sa covid 19.
Kasabay sa pagpupulong ang pagtalakay sa pamasahe ng mga mananakay sa ating bayan. Napagkasunduan dito na babalik sa taripa ang pamasahe kapag sobra sa isa ang magiging pasahero ng tricycle. Ito ay mahigpit na babantayan ng ating mga kapulisan.
#konseOne
#anakngsablayan
#unalagiangbayan

Official Website of Sablayan Legislative Office