
Pakinggan natin ang panayam kay Vice-Mayor Bong Marquez sa palatuntunang “Kabayan: Kapangyarihan ng Mamamayan
Pakinggan natin ang panayam kay Vice-Mayor Bong Marquez sa palatuntunang “Kabayan: Kapangyarihan ng Mamamayan, Balita at Talakayan” na isinahimpapawid sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo (SkyCable Ch. 26) ni Kabayan Noli De Castro noong ika-10 ng Pebrero, 2022.
Naging daluyan at kinatawan si VM Bong ng mga hinaing ng mga magsasaka, mga katutubo at manggagawang bukid sa Sablayan at sa buong lalawigan, sa pasakit na biglaang pagtaas ng presyo ng abono, pestesidyo at iba pang farm input, sa panawagang malawakan na imbestigahan ito ng Senado at Kongreso at mga susing ahensya ng pamahalaan.
Magising nawa natin ang pamahalaan at samahan nawa tayo ng mga pumupusturang kandidato sa bayan at sa lalawigan sa adbokasiyang ito sa paniniwalang ang mga barangay ang sentrong balangay ng ating tagumpay.