
Pamamahagi ng Department of Agriculture (DA) MIMAROPA ng Fertilizer Voucher para sa mga magsasaka ng Sablayan
𝐀𝐭 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐬𝐞𝐫𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐩𝐨: Naging bahagi si 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐞𝐡𝐚𝐥 𝐁𝐨𝐧𝐠 𝐕. 𝐔𝐫𝐢𝐞𝐭𝐚 sa isinagawang pamamahagi ng Department of Agriculture (DA) MIMAROPA ng Fertilizer Voucher para sa mga magsasaka ng Sablayan na tumanggap ng hybrid at inbred palay seeds para sa second crop ng pagtatanim ng palay. Naging katuwang ang tanggapan ng Municipal Agriculturist at ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Andres D. Dangeros.
Ipinagkaloob ang nasabing Discount Voucher para sa ating mga magsasakang tumanggap mula sa Central, North, at South Barangays.
Ang nasabing Fertilizer Discount Voucher ay para sa 2,030 na magsasaka na nagsasaka ngayong panahon ng Dry Season na kinabibilangan ng mga sumusunod:
1. South Barangay – 571 Farmers
2. North Barangay – 619 Farmers
3. Central Barangay – 840 Farmers
Ayon nga sa tala ng DA, halos 90% ng kinokonsumong abono sa Pilipinas ay inaangkat pa mula sa ibang bansa na mayroon ring pangangailangan sa abono. Dagdag pa rito, dalawang lokal na kumpanya lamang ang gumagawa ng abono sa ating bansa. Bunsod ng naturang senaryo, pandaigdigang bilihan at palitan ang direktang nakakaapekto sa lubhang pagtaas ng presyo ng abono sa Pilipinas.
Dahil nga sa naging matinding dagok sa mga magsasaka bunsod ng lubhang pagtaas ng presyo ng abono, ang fertilizer voucher ay isa sa mga pamamaraan at programa ng gobyerno upang matulungan ang sektor ng agrikultura partikular na ang mga maliliit na magsasaka.
Bahagi rin ng naturang pamamahagi sina Meynard Alcobera – Regional Rice Staff, Konsehal JB Ani-Dawates, Konsehal Obet Lim, Konsehal Greg A. Villar, Konsehal Salvy de Vera, LGU North at South Admistrators Cesar Bicera, dating Konsehal Che Quiatchon, G. Nestor Dela Rama, at MAO Reynaldo Factor.
💟💟💟
“𝗞𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 [𝗺𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗸𝗮] 𝘀𝗮𝗸𝗿𝗶𝗽𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗮𝘁 𝘀𝗶𝗽𝗮𝗴. 𝗞𝗮𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗵𝗮𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗯𝗹𝗮𝘆𝗲𝗻̃𝗼 𝗮𝘁 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼. 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶 𝗸𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗶𝗻𝘆𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘀 𝗽𝗮𝘁𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗲𝘀𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗸𝗮.” – 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗮𝗹 𝗕𝗼𝗻𝗴 𝗨𝗿𝗶𝗲𝘁𝗮
#𝒂𝒕𝒚𝒐𝒖𝒓𝒔𝒆𝒓𝑽𝑰𝑪𝑬𝒑𝒐_𝑩𝒐𝒏𝒈𝑼𝒓𝒊𝒆𝒕𝒂
#𝑨𝒏𝒂𝒌𝑵𝒈𝑺𝒂𝒃𝒍𝒂𝒚𝒂𝒏
#𝑼𝒏𝒂𝑳𝒂𝒈𝒊𝑨𝒏𝒈𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏
#𝑲𝒐𝒏𝒔𝒆𝑶𝒏𝒆