PASASALAMAT NG MGA KATUTUBO, INANYAYAHAN SI VM BONG


Hiniling muli ng pamunuan ng mga katutubong Mangyan ang presensya ni Vice-Mayor Bong Marquez sa kanilang tatlong araw na pasasalamat sa paggunita ng anibersaryo ng Batas Katutubo (o IPRA) at pagdiriwang Buwan ng Katutubo ngayong Oktubre at sa kanilang masaganang ani. Kasama si SB aspirant Fernando “Nanding” Dalangin na nakiisa at sumuporta sa katutubong Tau-Buid at Fagmafulon, Oktubre 22-25, 2021.
Libong mga katutubo mula sa bayan ng Magsaysay, Rizal, Calintaan at Sablayan ay nagkita-kita sa So. Malatongtong, Brgy. Burgos, Sablayan, Occidental Mindoro. Labis na natuwa ang mga lider Mangyan sa pagdalo at pagpapaunlak ni VM Bong sa okasyon at sa kanya umanong parating presensya sa mga pamayanan sa kabundukan ay ipinatatagos nito ang kanyang palaging nasa kanilang piling.
Labis namang hinangaan ni VM Bong ang pagsasagawa ng kanilang ritwal ng pagsasalamat na likas sa kultura ng mga katutubo at sumasalamin sa kanilang malalalim na espiritwalidad at tradisyon.
Ang ritwal na ito ay sangkot ang bawat pamayanan ng pagkatay ng baboy na gagamitin bilang alay sa mga ninunong yumao simula alas 2:00 hanggang alas 5:00 ng hapon. Ito ay hinati-hati ng pantay sa lahat ng pamilya na pahimakas ng kanilang taal na komunal na pamumuhay.
Sa nakaugaliang pagpunta ni VM Bong sa mga katutubong pamayanan, may mga kasiyahan din na naisagawa katulad ng palaro sa mga bata, palugaw, art workshop at pagbabasa ng aklat kasama ang mga empleyado ng Office of the Vice-Mayor.
Ipinamahagi rin doon ang mga relief goods mula kay congressional aspirant Odie Tarriela para sa katutubong pamayanan at ang grupong Project Laging Na-Reian sa programang pang edukasyon.
Ngayon ay ang ika-24 na taon na ng pagdiriwang pag-iral ng IPRA at Buwan ng Katutubo na tumutuon sa karapatan at kapakanan ng mga katutubo.
Naniniwala si VM na ang totoong pagkilala at pagtulong sa mga nasa laylayan ng lipunan ay sa pamamagitan ng imersyon at babad-malay, hindi lamang sa saglit na pagbisita.

« of 3 »

© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office