PAWIKAN SA SO. PANDAN, PINAKAWALAN


Muling nagpakawala ng pawikan o ng tinatawag na Olive Ridely Turtle sina Vice-Mayor Bong Marquez at DENR kasama ang mga mangingisda ng So. Pandan sa pangunguna nina Jano Ablaña at Bong Macalalad sa Barangay Claudio Salgado, Sablayan, Occidental Mindoro, Pebrero 10, 2022.
Matatandaan na noong Nobyembre 2021 ay nagkaroon din ng katulad na gawain si VM Bong at mga taga-DENR sa So. Pandan para sa pagtataguyod na rin ng ating likas na yaman at mga buhay ilang sa karagatan.
Lubos ang pagpapasalamat ni VM Bong sa mga mangingisda ng So. Pandan sa patuloy na malasakit sa mga pawikan dahil sa ito ay may mahalagang papel sa kalikasan o ocean ecosystem.
Naniniwala ito na dapat na magkaroon ng mga pampamayanang inisyatiba ukol sa proteksyon, pangangalaga, pagpapalaganap at pagtatampok ng mga pawikan sa bayan ng Sablayan.
“Ang mga programa para sa pangangalaga sa karagatan at yamang-dagat bilang bahagi ng programang pangkalikasan kaylanman ay aking kikilalanin at itataguyod,” ani VM Bong.


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office